Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui presscon, nakansela dahil may mga idaragdag pang eksena

KANSELADO ang presscon ng Feng Shui ni Kris Aquino kahapon, Martes, Disyembre 9 dahil nag-landfall na ang bagyong #Ruby na may international name na #Hagupit.

Ang Feng Shui ang entry ng Star Cinema at K-CAP (Kristina Bernadette Cojuangco Aquino) ngayong 2014 Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Jonee Gamboa, Cherie Pie Picache, at Kris mula sa direksiyon ni Chito Rono.

Hindi lang ang bagyong Ruby ang dahilan kaya ipinagpaliban ang presscon kundi kailangan pang magdagdag ng mga eksena ang nasabing pelikula.

Nabanggit dati ni Kris na tapos na silang mag-shoot kaya kataka-taka kung bakit may additional scenes pa, mensahe sa amin ng taga-Star Cinema ay, ”abangan mo kung bakit nagdagdagan.”

Maging ang pelikulang Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda ay may additional scene rin daw kasama si Bimby Aquino Yap.

Sabi nga namin sa taga-Star Cinema, baka naman hindi na kami makauwi sa sobrang takot pagkatapos naming mapanood ang Feng Shui he, he, he, he.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …