ni Alex Brosas
MARAMI ang natuwa nang maglabasan sa internet ang photos nina Sarah Geronimo and Matteo Gudicelli habang nagdi-dinner sa isang resto sa Makati.
“I am not a fan but i am happy for sarah,” sabi ng isang guy.
Pero ang napansin naman ng isang fan ay, ”Walang romantic ambiance ang rendezvous nila…parang classroom lang, bakit kaya???…parang nag-aattend lang ng business meeting.”
Ito rin ang naobserbahan ng isa pang fan who said, ”nice but parang empty and lonely ang venue?”
Naimbiyerna naman ang isang guy nang kunan sina Sarah at Matteo ng larawan habang nagdi-dinner. Nawalan daw ng privacy ang couple.
“Why some doesn’t know the word PRIVACY?Not because they are celeb it doesnt mean they dont deserve some privary for themselves.Kaya nga yang ibang artista di mapigilan mag “attitude” sa mga ubod na kulit na fans during their private moments,” say niya.