Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biyuti kay Belo lang ipinagkakatiwala (Marian Rivera kaliwa’t kanan ang Bridal Shower )

WELL-LOVED talaga si Marian Rivera kaya nga-yong ikakasal na siya kay Dingdong Dantes sa December 30 lahat na yata ay gusto siyang bigyan ng bridal shower.

Kamakailan lang, si Dra. Vicki Belo at ang kanyang Belo Medical Group naman ang naghandog ng bridal show kay Marian na ginanap sa Ariato Events Place sa 3rd level ng Il Terrazzo sa Tomas Morato. Malalapit na kaibigan ng actress sa entertainment press ang kanyang mga bisita. Personal raw talaga itong hiniling ni Marian kay Belo at agad naman siyang pinagbigyan dahil nasa abroad si Dra. Vicki, ang kanyang loving daughter na si Cris-talle Henares, na malapit rin sa press ang namahala sa special event para sa Royal Bride na si Marian na modelo ng kanilang Belo Bridal Collection.

Ang Belo Bridal Collection ay naglalaman ng iba’t ibang treatments, procedures, and services para sa ikakasal. E dahil nga sa pagiging busy, nagkaroon ng pimple si Marian at sa tulong ng Belo, agad-agad itong nawala at flawless na naman ang face. Say ni Marian bago simulan ang games, pa-raffle at sagutin ang questions ng press, sa Belo lang niya ipinagkatiwala ang kagandahan na kaila-ngan bilang bahagi ng preparasyon sa kasal nila ni Dingdong. Kahit super busy sa preparas-yon, alam ba ninyong nagagawa pa rin kumain nang marami ni Marian.

May taba pa nga raw sa katawan niya nga-yon kaya sa tulong ng Belo ay mababawasan pa ito at pagdating ng kasal ay physically fit na naman ang nasabing Kapuso Primetime Queen.

“Hindi naman kasi ako nai-stress. Marami naman kasing solusyon e. Kunwari, ‘pag puyat ako sa rami ng ginagawa, nandiyan naman sila sa Belo. Nagka-pimple nga ako, so pumunta ako sa kanila para sa treatment!

“Lahat naman may solusyon kaya ini-enjoy ko ang lahat ng moment bago ako ikasal,” pahayag ni Marian nang maka-one-on-one ng mga reporter.

Samantala lahat ay nag-enjoy dahil bukod sa super yummy ang mga food ay nagpaulan talaga ng biyaya ang Belo at si Marian kasama ang management na Triple A ng tatay-tatayang si Sir Tony Tuviera.

Malalaking cash prize ang ipina-raffle, at nagkaroon pa ng games tulad ng Binggo na lahat ng sagot ay galing mismo sa Belo Bride. Kaaliw rin ‘yung pakontes para sa disenyo ng bridal gown gamit ang tissue paper lang.

Siyempre ‘yung pinakabonggang gown ang hinirang na winner na mukha talagang bride. Si Marian mismo ang pumili ng winner. Tumanggap lahat ng premyo at walang umuwing luhaan sa party, na ipinag-imbita ni Ms. Shirley Pizaro.

To Yan-Yan and Dong best wishes in advance to both of you gyud!

PALIGSAHAN NG ISIP AT SAYAWAN SA PINOY HENYO HIGH TUWING SABADO SA EAT BULAGA

Hindi lang ang matatalino nilang estudyante sa High School ang isinasali ng bawat school sa Pinoy Henyo High sa Eat Bulaga, kundi ang may talento rin sa pagsasayaw na kung humataw sa entablado ay lumi-level na sa mga professional dance group na napapanood sa TV.

Tuwing Sabado ay tatlong schools ang naglalaban-laban para masungkit ang P50,000 cash at maging winner sa Pautakan at Sayawan.

Last Saturday ang pambatong mag-aaral ng Juan Sumulong High School sa Quezon City ang itinanghal na winner sa Pautakan sa Pinoy Henyo High samantala panalong-panalo naman sa Sayawan ang Brainshire Science High School sa Parañaque na nakapag-uwi rin ng P50K.

Siyempre hindi lang ang mga magulang ng mga nagwaging estudyante ang proud sa kanila maging ang kanilang mga eskuwelahan ay ipinagmamalaki sila.

 

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …