Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binatilyo nagbaril sa sentido (Magulang ng GF tutol)

102714 broken hearted suicideNAGBARIL sa sentido ang isang binatilyo kahapon sa Makati City makaraan magdamdam nang mabatid na tutol sa kanilang pagmamahalan ang mga magulang ng kanyang kasintahan.

Namatay noon din ang biktimang si Russel Lopez, ng J.B. Roxas St., Brgy. Olympia ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 baril sa sentido.

Base sa ulat ng Makati City Police, naganap ang insidente  sa bahay ng kaibigan ng biktima na hindi nagpabanggit ng pangalan, sa Kalayaan Avenue, Brgy. West Rembo ng nabanggit na lungsod.

Labis ang pagdaramdam ng biktima kaya nagpunta sa bahay ng kaibigan para ihinga ang sama ng loob.

Ngunit dakong 4 a.m., nakarinig ng putok ng baril at pagkaraan ay natagpuang duguan at wala nang buhay ang biktima.

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …