CEBU CITY – Sugatan ang isang 75-anyos pari makaraan holdapin ng tricycle driver habang lulan ng nasabing sasakyan saka inihulog sa ilog sa Brgy. Dawis Norte, bayan ng Carmen, sa probinsiya ng Cebu kamakalawa.
Kinilala ang pari na si Rev. Fr. Nicolas Batucan, residente ng Brgy. Kamalig-Bato, lungsod ng Da-nao, Cebu.
Ayon kay SPO3 Re-nerio Macasocol, imbestigador ng Carmen Police Station, galing ang pari sa isang pagtitipon sa bahay ng kaibigan sa nasabing lugar.
Sumakay ang biktima sa isang tricycle patungo sa bayan dahil nasa bulubundukin ang pinuntahang barangay.
Nang makarating ang tricycle sa isang tahimik na lugar at maraming puno ay nagdeklara ng holdap ang driver.
Nagmakaawa ang pari at nakiusap sa driver na huwag siyang saktan dahil wala siyang dalang pera.
Nagpakilala si Fr. Batucan na isa siyang ala-gad ng simbahan na naglilingkod sa mga liblib na barangay.
Nang walang makuhang pera ay kinaladkad ng suspek ang pari palabas ng tricycle hanggang madapa ang biktima.
Hindi pa nakontento, muling kinaladkad ng suspek ang pari saka itinulak sa bangin ang biktima na gumulong patungo sa ilog.
Narinig ng ilang mga residente ang paghingi ng tulong ng biktima kaya agad nilang dinaluhan at dinala sa ospital.