NANAWAGAN ang Malacañang sa publiko lalo ang mga taga-Metro Manila, na huwag munang pakampante sa bagyong Ruby.
Ito ay sa kabila ng pag-downgrade ng Pagasa sa bagyo at walang masyadong naiulat na malaking pinsala.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat samantalahin ang suspensyon ng klase at trabaho sa paghahanda sa paparating na bagyo.
Ayon kay Valte, maging sila sa national government ay nakaalerto pa rin at maagang pinangunahan ni Executive Sec. Paquito Ochoa ang command conference ng NDRRMC.
Hindi pa masabi ng Malacañang kung ano ang assessment sa bagyo at kahandaan ng gobyerno sa kalamidad.