Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serial rapist sa Caloocan arestado

120914 rapistNAGWAKAS ang maliligayang araw ng isang serial rapist, magnanakaw at karnaper makaraan maaresto sa isang ospital habang nagpapagamot ng sugat sa ulo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Arestado habang nilalapatan ng lunas sa Bernardino Hospital ang suspek na si Albert Biol, alyas Daniel Mercado at Mores, 42, residente ng Phase 10-B, Package 6, Block 95, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, nahaharap kasong rape, robbery with homicide at carnapping.

Nauna rito, iniutos ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang malawakang paghahanap sa serial rapist na si Biol, napag-alamang may pending warrant of arrest sa kasong rape at robbery with homicide.

Dakong 7 p.m. kamakalawa, binaril ng suspek si Benjamin Alhambra, 32, sa Block 10, Bankers Drive, Bankers Village,  Brgy. 171 ng lungsod, makaraan holdapin.

Bagama’t sugatan, nakakuha ng matigas na bagay ang biktima at hinampas sa ulo ang suspek.

Bunsod nito, nagtungo ang suspek sa ospital upang ipagamot ang sugat sa ulo na naging dahilan upang siya ay maaresto ng mga awtoridad.

Habang iniimbestigahan, sampung kababaihan ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at positibong itinuro si Biol na siyang homoldap at gumahasa sa kanila sa magkakaibang insidente sa lungsod.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …