ISINAILALIM sa heightened alert status ang 11 lugar sa Metro Manila kaugnay sa paghagupit ng Bagyong Ruby.
Inaasahang dakong 8 p.m. hanggang 9 p.m. kagabi mararamdaman ang epekto ng bagyo.
Kabilang sa naka-heightened alert ay ang mga lugar ng Las Pinas, Manila, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Pasay, San Juan City , Pasig City, Navotas City, Paranaque, Quezon City, Taguig, Valenzuela, Pateros at Caloocan City.
Pinayuhan ng NDRRMC ang mga residente sa 17 bayan at syudad sa kalakhang Maynila na lumikas na habang maaga dahil sa mataas ang posibilidad ng mga pagbaha.