SINUSPINDE ang klase sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan ngayong Martes, Disyembre 9 dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby.
Kabilang sa mga lokal na pamahalaang nagkansela ng pasok sa lahat ng antas, ang Quezon City, Parañaque, Marikina, Valenzuela, Navotas, Pateros, Malabon, Mandaluyong, Muntinlupa, Rizal, Batangas, Cavite, at Calapan, Oriental Mindoro.