NAMAALAM na sa ere kamakailan ang kilig seryeng Be Careful with My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta Maria at Richard Yap. Ano nga ba ang pakiramdam ng dalawa na nagtapos na ang kanilang serye na tumagal ng dalawa at kalahating taon?
“It’s just natural. Ano kasi naging kasama namin sila (fans ng ‘BCWMH’) ng two years and a half so marami na ‘yung naging habit nila. I’m sure mami-miss nila ‘to in a way. Nalulungkot din kami not only for us but for them also,” sabi ni Richard.
Si Jodi naman, nalungkot din sa pagtatapos ng kanilang serye at naiintindihan niya kung malungkot din ang mga fan nila sa serye.
“Tulad ng sinabi ni Richard, ‘di maiiwasan na maging ganoon ang reaction ng mga tao dahil dalawang taon din naman nila nakasama ang ‘Be Careful With My Heart’ at siyempre kahit na anong bagay na nagsisimula, may katapusan din.”
Para kay Richard, ang wedding scene nila ni Jodi sa BCWMH ang tumatak sa kanya at pinakapaborito niyang eksena.
At si Jodi, ano naman ang eksenang hindi niya malilimutan sa kanilang serye?
“Sa two years, marami kasing mga eksena na tumatak sa akin, isa na siguro ‘yung time na nanny pa si Maya, ‘yung nag-play siya na mermaid tapos nalaglag siya sa pool.
“And then ‘yung nagharana sa kanya si Sir Chief na talagang marami sa mga kababayan natin ang kinilig and of course ‘yung sinabi ni Sir Chief, ‘yung wedding.”
Matapos ang Be Careful taping skeds ng dalawa, babawi sila sa kanilang mga pamilya ng bakasyon at pahinga.
“Well ako magpapahinga muna. Mag-spend muna ng time sa anak ko. Babawi ako sa kanya. Ayun pahinga muna siguro. Next year na ako magtatrabaho,” sabi pa ni Jodi.
Rommel Placente