INATASAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Defense Secretary Voltaire Gazmin na bumiyahe para magdala ng karagdagang supplies at equipment sa Borongan, Eastern Samar katuwang ang National Government Frontline Team.
Samantala, ang Frontline Team na pinangungunahan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ay nakarating na sa Dolores, kung saan unang nag-landfall ang bagyong Ruby.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, iniulat ng Team na ang main road na natabunan ng mga natumbang punongkahoy ay clear at passable na o pwede nang madaanan.
Ayon kay Lacierda, sa kabila ng napaulat na casualties, hinihintay pa nila ang kompirmasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) makaraan ang determinasyon ng Department of Health (DoH) kung direktang may kinalaman sa bagyong Ruby ang sanhi ng pagkamatay.