Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, nakausap at pinayuhan ni Hugh Jackman

arjo hugh jackmanNEW York City, USA —Sold out ang The River show ng Australian Hollywood aktor na si Hugh Jackman kasama sina Laura Donnelly and Cush Jumbo na idinirehe ni Ian Rickson na ginanap sa Circle in the Square, 50th Street West of Broadway, New York, NY noong Biyernes ng gabi kahit na malakas ang ulan sa lungsod.

Sobrang paborito pala ng mag-iinang Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Arjo Atayde si Hugh kaya laking pasalamat nila na bago magkaubusan ng tickets ay nakapagpa-reserve na sila at take note, $236 each, eh, lima kami kaya umabot sa $1,180.00.

Sinabi talaga ni Ibyang kay Hugh, “we really like you and we flew all the way from the Philippines just to watch your show and these are my kids (sabay pakilala kina Ria at Arjo).

At nagulat kami sa sagot ni Hugh, “oh, from the Philippines, I’m worried about the Philippines tonight because there’s typhoon, right?”

Nagulat kami dahil speechless ang aktres na kilalang madaldal at maingay kaya’t napangiti si Hugh at siya mismo ang yumakap kay Nanay Teresita ng Be Careful with my Heart na sinamantala naman dahil tatlong beses ding yumakap ang huli.

Nang si Ria na ang kukunan ay nasabi niya kay Hugh, “oh my God, I think I’m going to faint,” at natawa ang Hollywood actor sabay sabing, “no you’re not” sabay kabig din sa dalaga at nagpa-picture na.

At nang si Arjo na ang kukuna ng litrato kasama si Hugh ay lakas ding sinabi ni Ibyang na he’s also an actor.

Kinamayan ni Hugh si Arjo at sabay sabing, “goodluck in your acting and be REAL.”

Kaya ang binata ay tulala rin dahil akalain mo, sikat at premyadong aktor sa Hollywood ang nagpayo sa kanya at higit sa lahat, galing mismo sa isa sa idol ni Arjo ang nagsabi.

In fairness, super bait ni Hugh dahil pinapalabas at pinipigilan na kami ng bodyguards ay nagsabi ang hollywood actor ng, “it’s okay, let them.”

At paglabas ni Hugh ng theater ay sangkaterba pala ang nag-aabang sa kanya para magpapirma ng tickets at playbill (programme) at lahat ay pinagbigyan, ‘yun nga lang hindi na sila nakapagpa-picture dahil nagmamadali na siya at may lakad pa.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …