Wednesday , November 27 2024

3 tepok sa kotse vs motorsiklo

083014 deadPATAY ang driver at dalawang angkas nang salpukin ng isang kotseng nag-overtake ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Manila-Cavite Road, Brgy. 8, Dalahican, Cavite City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Cavite Provincial Director, Sr. Supt. Jonnel Estomo, ang mga biktimang namatay na sina Norman Gavilla, ng Sitio Maguyam, Silang, Cavite; Albert Bobadilla, 36, ng Brgy. 7, Amaya, Tanza; at ang driver na si Ramon Magluyan, 53, ng Maligaya 1, Nueva Ecija.

Nakakulong sa Tanza Police ang suspek na si Erickson Gob, 43, may-asawa, physician, miyembro ng Philippine Navy Medical Corps, at residente ng Phase 8-C, Masangkay St., Maharlika Village, Brgy. Bahayang Pag-asa, Imus City, Cavite.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jonathan Baclas, dakong 6 a.m., binabaybay ng mga biktima ang nasabing lugar sakay ng Honda XRM motorcycle na wala pang plaka, nang salpukin ng black Mitsubishi Lancer (TGI-453).

Tumilapon ang mga backrider na sina Gavilla at Bodadilla habang si Magluyan ay nadaganan ng motorsiklo.

Beth Julian

About hataw tabloid

Check Also

Makati Taguig

Residente ng EMBOs  desmayado kay Abby

“MASAMA po ang loob namin. Sabi niya noon ipaglalaban niya kami. Ano na po ang …

Cavite TOL Patriots WMPBL Francis Tol Tolentino

Bilang suporta sa kababaihang atleta  
Cavite TOL Patriots, sasabak sa WMPBL

BILANG suporta sa mga kababaihang atleta, pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang …

Neri Colmenares Duterte ICC

Sa madugong gera kontra droga  
KASONG KRIMINAL vs DUTERTE PATULOY NA ISUSULONG SA ICC — NUPL

INIHAYAG ni dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na ipagpapatuloy nila ang paghahain ng …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

FPJ Panday Bayanihan nominee Brian Poe nanawagan sa mas berdeng Filipinas

NANAWAGAN si Brian Poe Llamanzares, nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na magtulungan para sa …

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *