MABOT na sa 22 katao ang patay sa pananalasa ng bagyong Ruby sa Eastern Visayas at sa Western Visayas region.
Ito ang iniulat sa ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon.
Aniya, sa naturang bilang, 17 ang namatay sa Eastern Samar, isa sa Western Samar, isa rin sa Northern Samar, at tatlo sa lalawigan ng Iloilo.
Una na rito, sinabi ni PRC secretary general Gwendolyn Pang, karamihan sa casualties ay namatay sa baha partikular sa Borongan, Eastern Samar.
Ngunit batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa tatlo pa lang ang kompirmadong patay dahil sa bagyong Ruby.