UMAABOT sa 206 ang mga nakanselang flight kahapon dahil sa bagyong si Ruby.
Ayon sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), 96 sa mga ito ay domestic flights na paalis, 98 ang parating, habang 10 patungo sa ibang bansa, at 11 parating, ang hindi na rin pinayagang makalipad.
Kabilang sa mga naapektuhang lokal na byahe ay patungo at galing sa Davao, Iloilo, Tagbilaran, Naga, Legazpi, Tacloban, Caticlan, Kalibo, Puerto Princesa, Roxas, Zamboanga, Cagayan, Dipolog, Dumaguete, Busuanga, Tagbilaran, Cebu, Viarac, Cauayan, Tuguegarao at Calbayog.
Habang ang international flights na kasama sa listahan ay mula sa Singapore, South Korea, Malaysia at China.
Ang mga apektado ng kanselasyon ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa mga airline company para sa panibagong schedule ng mga byahe.