Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, gagawa lamang ng pelikulang may katuturan

 

120814 robinSA Wawa, Bataan nabanggit ni Robin Padilla nang nagsu-shooting ito roon ng Andres Bonifacio na matagal na n’yang ambisyong makasama sa Metro Manila Film Festival. Hindi nga lang daw magkaroon ng pagkakataon. Kaya naman hindi na niya pinalampas noong mapasakamay niya ang istoryang Andres Bonifacio.

Kuwento ng actor, gusto niyang makasali pero ‘yung isasalin niyang pelikula ay ‘yung maipagmamalaki. ‘Yung hindi madaling kalimutan at mag-iiwan ng marka sa mga manonood.

Hindi naman nagkaproblema si Robin sa kinuhang kapareha na si Vina Morales, mismong si Mariel Rodriguez kasi nag-suggest na kunin si Vina. Gandang Filipina si Vina at walang negang imahe sa mga tagahanga.

Megan at Valerie, parehong produkto ng Star Magic

BIHIRA ang nakakapansin, dalawa na sa naging Miss World Philippines ay nanggaling sa Star Magic. Ito ay sina Megan Young, Miss World 2013 at Valerie Wiegman, Ms. World 2014.

Si Valerie ay kasa-kasama nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na sumusugod sa bahay-bahay bago nanalong Miss World. Pahulaan pa nga kung mananalo rin si Valerie.

Sina Barbie at Miguel ang totoong magsyota

TOTOO kayang sa totoong buhay, sina Barbie Forteza at Miguel Tan Felix ang magsyota at hindi si Bianca Umali?

Si Bianca naman daw ay kay Jillian Trono, dating Sexbomb dancer?

Libro ni Rita, nakarating kay Pope Francis

MUNTIK daw mapaiyak ang showbiz couple na sina Rita Avila at Direk Eric Reyes noong tumanggap ng thank you message from Papa Francis ng Roma.

Natanggap na raw kasi ng Papa ang mga librong regalo ni Rita na ipinadala sa Roma, ang librong 8 Ways to Comfort with Grace at The Invisible Ways.

Napasabay sa pagdating ng Thank you ni Papa sa ikawalong taong pagkawala ng kanilang anak si Jesu.

Noong Dec. 2, naimbitahan ang aktres na magbasa ng libro niyang isinulat sa UP. Binasahan niya ang mga batang estudyante. Binigyan ni Rita si Marian Rivera ng librong isinulat n’ya, noong biglang sumulpot sa kanyang book signing sa MOA.

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …