Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pumalag na pusher sugatan sa parak

022714 marijuana drugsKRITIKAL ang kalagayan ng isang hinihinalang tulak ng droga, makaraan barilin ng pulis nang bumunot ng baril ang suspek makaraan sitahin sa hindi pagsusuot ng helmet kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Nakaratay sa Fatima Medical Center ang suspek na si Jamal Radja, 35, ng Bagbaguin, Brgy. 165, Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 a.m. nang maganap ang insidente sa Gen. Luis St., Brgy. Paso de Blas ng nasabing lungsod.

Nabatid mula kay Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela Police, nagpapatupad ang kanyang mga tauhan ng Oplan Sita sa lugar, nang masita ang suspek habang sakay ng Honda XRM (3146-UM) dahil walang suot na helmet.

Nang iutos ng pulis na ilabas ang lisensiya ay kalibre .22 baril ang inilabas ng suspek. Bunsod nito, mabilis ding bumunot ng baril ang pulis at pinaputukan ang suspek.

Nakompiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng shabu at kalibre .22 baril.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …