DAHIL Pasko, maraming establisyemento ngayon ang nag-o-offer ng kung iba’t ibang klase ng promotion.
Gaya ng French Baker na mayroon ngayong Visit Parish In Summer 2015. Ang Grand Prize ay Family Vacation To Paris For 4 with free business class round trip airfare from Etihad Airways and 10 days Easy Pace France Tour na provided ng Insight Vacations, ang partner ng French Baker sa kanilang promo.
Ang kasunod na premyo 25 winners ng P5,000 worth of The French Baker Gift Certificate.
Ang promo period from November 5, 2014 to March 15, 2015.
Entitled sa isang raffle ticket ang customer na mayroong P500 single receipt.
Mayroon isang miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) na Senior Citizen na paboritong puntahan ang French Baker. Kaya lalo siyang natuwa nang malaman niyang may promo kasi nga naman everytime na kumakain siya sa French Baker, mahigit P500 ang nakokonsumo niya kasama ang ilang kaibigan.
Dati na siyang nagsasama ng mga kaibigan sa French Baker SM Manila at s’yempre dahil Senior Citizen, mayroon siyang discount na 20 percent sa kanyang total bill.
Heto na ngayon, last Wednesday, paggaling sa City Hall ay dumaan muli siya sa French Baker SM Manila.
E ‘di umorder sila, alam naman niya na pay as you order ang sistema sa French Baker.
Nagulat siya nang dalawang resibo ang ibinigay sa kanya, isa para sa nakonsumo niya na ‘yun lang ang mayroong 20 percent discount at isang receipt na full amount, meaning walang discount.
Aba, sabi nong member nating Senior Citizen, e ako lahat magbabayad n’yan bakit mo pinaghihiwalay ng resibo?
Ang sagot sa kanya, ganoon na raw ang sistema ngayon.
Aba kailan pa?!
Kailan pa inihiwalay ang resibo ng Senior Citizen sa mga kasama niya kung pupunta sila sa isang establishment, lalo na kung siya ang magbabayad.
Sa buwisit no’ng member natin, binawi niya ang kanyang pera at ipina-cancel ang order nila.
Sabi nga niya, nagkaroon lang sila ng promo, nanloko na sila ng tao?!
Ini-split ng French Baker SM Manila ang receipt para hindi maka-avail ng promo raffle ticket.
Malinaw na DISHONESTY ‘yan, French Baker SM Manila.
‘Wag kayong magpa-promo kung lolokohin n’yo lang ang mga customer ninyo.
Paging Department of Trade and Industry (DTI)!