Nang i-announce ang return concert ni Lani Misalucha na La Nightingale sa Smart Araneta Coliseum na ginanap last Saturday sa Big Dome. May ilang detractors si Lani na duda kung mapupuno niya ang Araneta. Iniintriga rin nila ang sales ng ticket ng International Diva at mahina raw ang benta. Hayun sa kane-nega nila kay Lani ay supalpal silang lahat dahil jampacked ang buong big dome sa concert ng “Asia’s Nightingle.” Early afternoon pa lang ang haba na ng pila sa Araneta na nag-cause pa ng ma-tinding traffic sa Araneta Center. Hindi lang mega su-ccessful ang nasabing show kundi nabigyan pa ng standing ovation si Lani nang mag-tribute kay late Whitney Houston at kantahin ang ilan sa mga hits nito na plakadong-plakado sa boses ng famous singer-performer. Hanep rin ang rendition niya ng classic song na “Ave Maria” kung saan nabigyan siya ng pangalawang standing ovation. To Lani at sa ABS-CBN Intergrated Events at Star Event na mga producer ng La Nightingale concert congratulations to all of you gyud!
Elmo Magalona May Bed Scene Kay Sophie Albert
Sa ongoing teleserye nila ni Janine Gutierrez sa GMA 7 ay madalas shirtless si Elmo Magalona. Dahil pwede na sa mature roles, hindi nagdalawang-isip ang young actor na tanggapin ang pelikulang #Y na palabas na sa December 10 sa mga sinehan nationwide. Ang Star Cinema ang nag-release ng movie kasi naniniwala ang no.1 movie outfit sa project na dinirek ni Gino M. Santos at pa-nulat ni Jeff Stelton. Nang ipalabas sa 10th Cinemalaya, marami ang nakapanood ng pelikula ang pumuri sa galing ng mga bidang artista sa pangu-nguna ni Elmo, Coleen Garcia, Sophie Albert, Kit Thompson, Slater Young at Chynna Ortaleza. Nagmarka ang mga nabanggit na young stars sa pelikula na ang istorya ay tungkol sa mayayaman at mga modernong kabataan. Ipinapakita ng #Y ang adventures ng isang henerasyon na iniimpluwensiyahan at pinag-iisa ng social media at ng internet, at pati na rin ng “you only live once” o YOLO ideological lifestlye na pinaniniwalaan ng maraming kabataan ngayon.Nagbibigay ang #Y ng isang insightful look sa buhay ng mayayaman na mga kabataan na makikita sa mga mata ng pelikula na si Miles (Ma-galona) isang batang lalaking nag-iisip na wakasan ang sarili niyang buhay. Samantala aminado si Elmo, na na-excite siya sa role niya sa #Y dahil out of the box nga naman ito sa nakagawian na niyang mga teenybopper role. Umaasa ang batang aktor na sa pamamagitan ng pelikulang ito ay magbubukas ang pintuan para makagawa pa ng mas challenging roles sa hinaharap.Bukod sa nakaiintri-gang kuwento ng #Y ay isa sa kaabang-abang sa movie ang love scene nina Elmo at Sophie na nag-daring ang dalawa. May sexy scene rin si Coleen at aprubado naman ito ng boyfried si Billy Crawford. Dahil sa napapanahon ang #Y at husay ng performance ng mga artista ay nakakuha ng Special Citation for Ensemble Acting sa Cinemalaya sina Elmo, Coleen, Sophie at Kit. Bahagi pa rin ang #Y sa pagdiriwang ng 20 taon anibersaryo ng Star Cinema.
Peter Ledesma