Saturday , December 28 2024

Pope Francis nabahala sa PH (Sa banta ni Ruby)

NABABAHALA si Pope Francis para sa Filipinas, kaugnay ng bagyong Ruby na nakatakdang mag-landfall sa Eastern Visayas ngayong umaga.

Sinabi ni Borongan Bishop Crispin Vasquez, nakaabot na sa Santo Papa ang tungkol sa bagyong nakaambang manalasa sa bansa.

Katunayan, nagsasagawa ng vigil ang mga obispo sa St. Peter’s Basilica sa Vatican para sa Filipinas dahil sa bagyo.

Ayaw anila ng Santo Papa na maghirap ang lugar na kanyang bibisitahin.

Nakatakdang dumalaw si Pope Francis sa Filipinas sa Enero 15 hanggang 19 sa susunod na taon.

Napag-alaman, isa sa mga pupuntahan ng Santo Papa ang Tacaloban, Leyte na sinalanta ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon at ngayon ay hinahagupit din ni Ruby. (G.M. Galuno)

HATAW News Team

5 LANDFALL NI RUBY SA SAMAR, SOUTH LUZON ASAHAN

INAASAHANG anim beses magla-landfall ang bagyong Ruby.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Sec. Mario Montejo, inaasahan ang sunod-sunod na landfall ng nasabing bagyo.

Tinaya itong tatama sa kalupaan ng Borongan, Samar dakong 2 a.m. hanggang 4 p.m. kahapon (Sabado).

Maaapektohan nito ang Northern Samar, Eastern Samar at Samar.

Sunod na landfall ay dakong 2 p.m. hanggang 4 p.m. ngayong Linggo sa Masbate habang 8 p.m. hanggang 10 p.m. maaasahan ang landfall sa Sibuyan Island.

Sa Lunes, inaasahang dadaan din ang bagyo sa Romblon ng dakong 2 a.m. hanggang 4 a.m.

Sa pagitan ng 11 a.m. 1 p.m. posibleng mag-landfall sa Mindoro.

Maaapektohan nito ang Occidental at Oriental Mindoro habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Bahagyang humina ang Bagyong Ruby sa 185 kilometro kada oras (kph) na may pagbugsong aabot ng 220 kph.

Bumilis ito sa 13 kph mula sa naunang 10 kph sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 6 a.m.

Huling namataan ang bagyo 180 kilometro silangan, hilagang-silangan ng Borongan Samar.

RUBY HUMINA PERO SINLAKAS PA RIN NI PABLO

HUMINA pa si Typhoon Ruby habang papalapit sa kalupaan ng Filipinas bagama’t nananatili pa ring mapanganib.

Mula 195 kilometro kada oras (kph) na lakas ng hangin nitong Sabado ng umaga, nasa 185 kph na lang ito, batay sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA 11 a.m. kahapon. Mayroon itong pagbugsong nasa 220 kph.

Paulit-ulit ang babala ng PAGASA na hindi dapat makampante sa bahagyang paghina ng bagyo.

Sa ngayon, kasing-lakas ni Ruby si bagyong Pablo noong 2012 na nakapagtala rin ng hanging nasa 185 kilometer per hour at kumitil ng hindi bababa sa 1,000.

ALBAY UNDER STATE OF CALAMITY

ISINAILALIM na sa state of calamity kahapon ang Albay bagama’t hindi pa tumatama sa kalupaan ng Filipinas si Typhoon Ruby (international name: Hagupit).

Ito’y makaraan maaprobahan ng Sangguninang Panlalawigan ang resolusyon sa isang special session Sabado ng tanghali.

Nasa ilalim ng signal number 3 ang Albay na isa sa inaasahang dadaanan ni “Ruby”.

Paliwanag ni Dr. Cedric Date, head ng Albay Public Safety and Management Office, idineklara ang state of calamity para magamit na rin ang calamity fund at recovery fund.

Pwede na rin aniya itong magamit ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pag-kontrol ng presyo ng mga bilihin.

Sa ngayon, umaabot na sa 74,000 pamilya ang inilikas bilang paghahanda sa inaasahang pagragasa ni Typhoon Ruby.

KAHIT SIGNAL NO. 3 ILANG MANGINGISDA SA EASTERN SAMAR PUMALAOT PA RIN

PUMALAOT pa rin ang ilang mangingisda sa Eastern Samar kahit binalaan na magiging malakas ang alon dulot ng Bagyong Ruby.

Namataan ng lokal na opisyal at mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) habang nag-iikot sila, ang ilang mangingisda na nagpumilit na pumalaot.

Pinilit palikasin ng mga awtoridad ang ilang residente na nananatili sa kanilang mga tirahan sa coastal areas habang tuluyan nang nilisan ng ilang residente ang kanilang lugar dahil sa pangamba sa storm surge.

MMDA BLUE ALERT SA TYPHOON RUBY

NAKATAAS sa blue alert ang Metro Manila Development Authority (MMDA) bilang paghahanda sa paghagupit ng bagyong Ruby.

Naka-standby na ang 50% kabuuang personnel at kagamitan ng MMDA sakaling kailanganin ito sa rescue operations sa mga lalawigan maging sa Maynila sakaling tumama rito ang bagyo. May mga tauhan ang ahensya sa Lapu-Lapu City, Cebu na hindi na pinauuwi mula sa pagsasanay para makaposisyon na sakaling mangailangan ng tulong. Sa Kamaynilaan, tumugon na rin ang mga advertiser at lahat ng may tarpaulin at billboard sa Edsa at tiniklop na ang mga ito. Sabado ng hapon sinimulan ang operasyon ng flood control center para ma-monitor ang floodway system sa Metro Manila.

(Ulat nina Almar Danguilan, Jethro SinoCruz, Diane YAP at Grace Yap)

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *