Sunday , November 17 2024

Mapalad ang mga trapo dahil lagi tayong binabagyo

MAHIRAP talaga ipaliwanag ang asal, kilos at ugali ng mga Pinoy.

Matinding magalit, gumugulapay kapag nalulugmok, umiiyak, humahagulhol, nagmumura kapag nasasaktan … pero bumabangon … at kapag nakabangon madali nang nakalilimot.

Maaga nilang nalilimot na pinabayaan sila ng mga opisyal ng gobyerno. Minsan tuloy, nasasabi natin na mapalad ang mga traditional politician (TRAPO) dahil nagagamit nilang dahilan ang pananalanta ng iba’t ibang uri ng kalamidad bilang excuse sa kanilang kapabayaan.

Pero kahit paano ay natututo at nagwawasto ang ilan sa kanila.

Ngayong nagbabanta ang pananalasa ni Ruby (Hagupit) natutuwa tayo sa ipinakikitang rektipikasyon ng gobyerno lalo ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Maaga pa ay nagbuo na ng command centers ang mga lalawigan o siyudad na sinabing tatamaan ng bagyo.

Madaling nakinig ang mga mamamayan sa mga apektadong lugar nang sila pinalikas ng mga opisyal ng gobyerno.

Bawat pamilya at indibidwal ay nagpakita ng kahandaan kung paano poprotektahan ang kanilang sarili at mga ari-arian. May nakita pa nga tayo na mga sasakyang binalot ng plastic at packaging tape.

Ilan ang nagsikap na makapagtabi ng tubig at pagkain sa abot ng kanilang makakaya.

Sa Tacloban, maagang nag-repack ng mga relief goods para ihatid sa mga kababayan na maagang nagsilikas at nagsitungo sa evacuation area.

Ang sabi, anim na beses magla-landfall ang bagyong Ruby na ang siguradong mapupuruhan ay Samar, Bicol at Mindoro Oriental. Pero dahil sa maagang babala, agad rin naghanda ang mga residente sa mga nasabing lugar.

Alam nating marami pang matitigas ang ulo na susuway sa paalala ng mga awtoridad, pero natitiyak natin sa ginagawa ngayon ng buong bansa at sa tulong ng mataimtim na panalangin sa Dakilang Lumikha maiiwasan natin ang malaking bilang ng casualties at kalunos-lunos na kahihinatnan ng ating mga kababayan na tatamaan ng bagyong Ruby.

God save the Philippines.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *