ARESTADO sa mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) si Arnel Tumbali, suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 11-buwan gulang sanggol na natagpuan ang bangkay sa ilalim ng jeep sa San Juan City. (ALEX MENDOZA)
NASA kustodiya na ng San Juan City Police ang suspek sa brutal na panggagahasa at pagpatay sa 11-buwan sanggol sa San Juan City noong Agosto 1.
Matatandaan, natutulog ang mga magulang sa bangketa sa Brgy. Tibagan, San Juan nang dukutin ng suspek ang sanggol at ginahasa.
Nang sumunod na araw, nakitang patay ang sanggol sa ilalim ng isang pampasaherong jeep.
Nitong Biyernes ng hapon, nasukol ang suspek na si Arnel Tumbali.
Naaresto si Tumbali ng pinagsamang pwersa ng mga barangay tanod at intel operatives ng San Juan Police sa tapat ng isang motel malapit sa kanto ng EDSA at Sultan Street sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.
Mahaharap sa kasong rape with homicide ang suspek.