Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakat ng bebot dinakma ng sidecar boy (Nakatulog sa ospital)

KALABOSO ang isang 32-anyos sidecar boy makaraan hipuan ang isang natutulog na babae sa loob ng pedia ward sa ikalimang palapag ng Sta. Ana Hospital kahapon ng madaling-araw.

“Natutulog po ako, akala ko noong una nananaginip lang ako, pinabayaan ko pero noong pangalawa e talagang gising na gising na ako, kaya sinipa ko siya.”

Ito ang salaysay ng biktimang si Doria, 24, laban sa suspek na si Chuck Lester Valdeza, 32, residente ng 1161 Arellano St., Singalong.

Ayon sa reklamo ng biktima sa Manila Police District-Women’s and Children Protection Section, naganap ang insidente dakong 3 a.m. habang nagbabantay siya sa kanyang pamangkin na naka-confine sa nabanggit na pagamutan.

Isinumbong ng biktima sa security guard na si Rodolfo Cruz ang insidente. Agad na dinakip ng gwardiya ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

“Nagpatay malisya pa muna ang suspek na mayroon din binabantayan na pasyente sa pedia ward, natulog ulit matapos sipain ng biktima, pero hindi naman pumalag nang arestohin ko,” ayon kay Cruz.

Sinampahan ng kasong act of lasciviousness ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …