Friday , November 15 2024

Samar, isa pang Waray island tinumbok ni Ruby

TINUTUMBOK ng Bagyong Ruby ang bahagi ng Northern at Eastern Samar.

Sa mabagal nitong pagkilos sa 13 kph na bilis pa-kanluran hilagang-kanluran, inaaasahang Sabado ng gabi ito magla-landfall sa Eastern Samar-Northern Samar area.

Dala nito ang malalakas na hangin at storm surge na aabot ng 4-5 metro at malakas hanggang matinding pag-ulan.

Sa paglapit sa kalupaan ng 700-kilometrong lawak nito, nananatili ang babala ng bagyo sa mga lugar sa maraming lugar sa bansa.

Itinaas sa signal number 2 ang mga lugar ng Sorsogon, Ticao Island, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu kasama ang Cebu City, Bantayan Island, at Camotes Island,

Habang signal number 1 sa Catanduanes, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Burias Island, Romblon, Capiz, Iloilo, Antique, Aklan, Negros Oriental, Negros Occidental, nalalabing bahagi ng Cebu, Siquijor , Bohol, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Island, Siargao Island, Misamis Oriental, Agusan del Sur, at Camiguin Island.

HUMINA PERO MAPANGANIB PA RIN

BAHAGYANG humina si typhoon Ruby bagama’t nananatili pa ring mapanganib lalo na sa mga lugar na una nitong tatamaan partikular sa Eastern Visayas.

Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA Biyernes ng hapon, may taglay na lang na lakas ng hanging nasa 195 kilometro bawat oras si Ruby mula sa 205 kilometro bawat oras kahapon ng umaga.

Ang paghina ng hanging taglay ni Ruby ay dulot ng malamig na Amihan mula sa Siberia.

Huling namataan si Ruby sa layong 130 kilometro bawat oras silangan ng Boronga, Eastern Samar.

3,000 BRGYS SA LANDSLIDE, 220 LUGAR BABAHAIN

NAGLABAS ng listahan ang gobyerno ng mga lugar na posibleng may maganap na pagguho ng lupa o landslide at pagbaha.

Gamit ang data at teknolohiya, natukoy ng Project Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) ng Department of Science and Technolody (DOST) ang mga lugar na lantad sa baha at pagguho ng lupa sakaling makapagbuhos ang bagyo ng higit sa kabuuang 100 millimeters (mm) ng ulan sa loob ng 24 oras.

Nakabatay rin ang listahan sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA na tumutukoy sa lakas, buhos, direksyon at ruta ng bagyo.

Sa pagtaya ng Project NOAH, aabot sa 220 bayan at munisipalidad ang maaaring bahain dahil kay Ruby mula sa apat na rehiyon sa bansa.

Kabilang sa mga partikular na lalawigang posibleng babahain ang Tagkawayan, Quezon, ilang bayan sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, Southern Leyte at bayan ng Loreto sa Dinagat Islands.

Makaraan ang matinding pag-ulan, lumalambot ang lupa na maaaring magdulot ng pagguho ng lupa partikular sa mga bulubunduking lugar.

Sa pag-aaral ng Project NOAH, natukoy nito ang mga ispesipikong barangay sa Region 5 (Bicol) at Region 8 (Eastern Visayas) na maaaring maapektuhan ng pagguho ng lupa.

Binubuo ito ng kabuuang 622 barangay sa Bicol at 2,787 barangay sa Eastern Visayas.

40 BAYAN BINALAAN VS DALUYONG

MAHIGIT 40 bayan ang muling binalaan ng pamahalaan na maghanda dahil sa storm surge na dala ng paparating na bagyong Ruby.

Batay sa abiso ng PAGASA-DOST, ang lahat ng areas na mapapaloob sa signal number 3 ay posibleng makapagtala ng taas ng alon o storm surge ng tatlong metro hanggang apat na metro.

Narito ang listahan ng mga bayan at kaakibat na tinatayang taas ng daluyong: Talalora, Samar, 2.7 – 3.7 (meters); Batbangon, Leyte, 2.7 – 3.7; Sta. Rita, Samar, 2.7 – 3.7; Barugo, Leyte, 2.2 – 3.2; San Miguel, Leyte, 2.2 – 3.2; Caibiran, Biliran, 2.2 – 3.2; Cabucgayan, Biliran, 2.2 – 3.2; Culaba, Biliran, 2.2 – 3.2;

San Remigio, Cebu, 2.1 – 3.1; Medellin, Cebu, 2.1 – 3.1;

Tarangnan, Samar, 2.0 – 3.0; Catbalogan, Samar, 2.0 – 3.0; Gandara, Samar, 2.0 – 3.0; Sta. Margarita, Samar, 2.0 – 3.0; Uson, Masbate, 2.0 – 3.0; Mobo, Masbate, 2.0 – 3.0; Sta. Fe, Cebu, 2.0 – 3.0; Bantayan, Cebu, 1.9 – 2.9; Tabuelan, Cebu, 1.9 – 2.9; Daram, Samar, 1.8 – 2.8; Carigara, Leyte, 1.8 – 2.8; Esperanza, Masbate, 1.7 – 2.7; Pio V. Cruz, Masbate ,1.7 – 2.7; Tuburan, Cebu, 1.7 – 2.7; San Dionisio, Iloilo, 1.7 – 2.7; Batad, Iloilo, 1.7 – 2.7; Estancia, Iloilo, 1.7 – 2.7; Leyte, Leyte, 1.7- 2.7; Kawayan, Biliran, 1.6 – 2.6; Maripipi, Biliran, 1.6 – 2.6; Dimasalang, Masbate, 1.6 – 2.6; Almeria, Biliran, 1.6 – 2.6; Batuan, Masbate, 1.6 – 2.6; Carles, Iloilo, 1.6, – 2.6;

Cawayan, Masbate, 1.6 – 2.6; Daanbantayan, Cebu, 1.5 – 2.5;

Capoocan, Leyte, 1.5 – 2.5; Madridejos, Cebu, 1.5 – 2.5; Palanas, Masbate, 1.5 – 2.5; Sagay, Negros Occidental, 1.5 – 2.5; Placer, Masbate, 1.5 – 2.5; at Merida, Leyte, 1.5 – 2.5;

LAHAR NG MAYON BANTA SA ALBAY

NAGPATUPAD ng pre-emptive evacuation sa lalawigan ng Albay kaugnay ng paghahanda sa pananalasa ni bagyong Ruby.

Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office head Dr. Cedric Daep, prayoridad ang mga nasa palibot ng bulkang Mayon at may ipinalabas nang lahar advisory ang Phivolcs.

Ayon kay Daep, kinakailangang mailipat sa ligtas na lugar ang mga residente lalo na ang mga nasa river channel ng bulkan dahil sa posibleng pagragasa ng lahar deposits mula sa bulkan.

Sa abisong ipinalabas ng Phivolcs, partikular na tinukoy ang mga kumunidad gaya ng Masarawag (Guinobatan), Maninila (Guinobatan), Buyuan-Padang (Legaspi City), Mabinit (Legaspi City), Lidong (Sto. Domingo), Basud (Sto. Domingo), Miisi (Daraga), Anoling (Daraga) at Nabonton (Ligao City).

Kasama rin sa pinalilikas ang nasa low-lying areas at nasa palibot ng Yawa River sa lungsod ng Legazpi.

Kasama rin sa abiso ang Malunoy (Patag), Mapaso, Cadac-an, Tinampo at Cogon Rivers sa Irosin at ang Añog-Rangas River sa Juban dahil sa banta rin ng lahar sa bulkang Bulusan.

 

 

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *