Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasko-Titap sa GRR TNT

TUNGHAYAN ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. ang ikalawang yugto ng Pamaskong pagtatanghal ng GMA News TV show na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na pinamagatang Pasku-Titap.

Dahil ang Pasko raw ay para sa mga bata, dadalhin tayo ni Mader Ricky Reyes sa Pasko Sa Metro na tiyak na enjoy sila sa mga kiddie fun ride, mga tiyangge na mabibilhan ng mga laruan, damit at sapatos at mga tindahan ng pagkaing mula sa iba-ibang probinsiya at siyudad ng bansa.

Hindi makukompleto ang Noche Buena kung walang dessert o panghimagas. Darayuhin ngGRR TNT staff at crew ang tatlong restoran na pamoso sa masasarap na matamis na tiyak na kagigiliwang pagsaluhan ng pamilyang Pinoy. Akma rin ang tawag sa mga ito na Christmas-Sarap.

Idinaraing ng mga ginang ng tahanan ang mataas na Meralco bill. May interbyu si Mader RR sa isang taong nakatuklas ng paraan para bumaba ang konsumo natin ng koryente. Ito’y sa segment na Elelctricity, No Worry.

Magpe-play Santa si Mader sa tatlong babaeng matagal ng problema ang pagkalugas at pagnipis ng buhok. Masosorpresa sila sa regalong lunas sa kanilang problema. Panoorin sila sa Happy at Beauty ang Crowning Glory na ginagawa sa lahat ng sangay ng Gandang RR Salon.

Abangan sa tatlo pang Sabado ang pagtatanghal ng Paskong GRR TNT na prodyus ngScriptoVision.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …