HINIKAYAT ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang mga paaralan at simbahan na buksan nila ang kanilang pintuan para sa refugees na maapektuhan ng bagyong si Ruby.
Ayon kay CBCP president Bishop Socrates Villegas, dapat laging bukas ang pintuan ng simbahan at mga paaralan para walang maging problema kung sakaling manalasa ang bagyong Ruby.
Pinakiusapan din niya ang evacuees na dapat isipin nila na simbahan ang kanilang kinalalagyan kung kaya’t dapat ay sundin din ang nararapat.
Umaasa si Villegas sa ating gobyerno na dapat umpisahan na ang paglilikas sa mga posibleng daanan ng bagyong Ruby bago pa mahuli ang lahat gaya nang nangyari sa pagdaan ng bagyong Yolanda.
Idinagdag niyang dapat ang mga mamamayan ay paigtingin ang pagdarasal dahil ito ang pinakamabisang paraan para labanan ang ano mang delubyong daraan.