Friday , November 15 2024

Maging responsable sa ‘Ruby’ reporting (PNoy sa media)

 

NANAWAGAN si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa media na maging responsable sa pagbabalita kaugnay sa bagyong Ruby.

Una nang pinuna ni Pangulong Aquino ang banner story ng isang pahayagang nagsasabing kasing lakas ni “Yolanda” ang bagyong Ruby bagay na malayo aniya sa katotohanan.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa harapan ng media group, sana maging maingat at kalmado sa pagbabalita para mapalakas ang kompiyansang mapagdaanan ang pagsubok ni “Ruby”.

Ayon kay Pangulong Aquino, dahil magpa-Pasko, marapat lamang na magpakita ng kabutihang loob at kasiyahan sa kapwa tao sa panahon ng kalamidad.

POPE FRANCIS HINILINGAN NI PNOY NG DASAL VS TYPHOONS

HIHILINGIN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Pope Francis na ipagdasal ang kaligtasan ng Filipinas mula sa malalakas na bagyo.

Ginawa ng Pangulong Aquino ang pahayag sa Pulong Bulungan Christmas party.

Si Pope Francis ay magsasagawa ng apostolic at state visit sa bansa sa Enero 15 hanggang 19 sa 2015.

Sinabi ng Pangulong Aquino, hihilingin niya sa Santo Papa na ipagdasal na maalis ang Filipinas sa rutang paboritong daanan ng mga bagyo.

Nataon ang mensahe ni Pangulong Aquino sa nakaambang pananalasa ng bagyong Ruby.

PANAWAGAN NG CBCP: SIMBAHAN, PAARALAN BUKSAN SA EVACUEES

HINIKAYAT ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang mga paaralan at simbahan na buksan nila ang kanilang pintuan para sa refugees na maapektuhan ng bagyong si Ruby.

Ayon kay CBCP president Bishop Socrates Villegas, dapat laging bukas ang pintuan ng simbahan at mga paaralan para walang maging problema kung sakaling manalasa ang bagyong Ruby.

Pinakiusapan din niya ang evacuees na dapat isipin nila na simbahan ang kanilang kinalalagyan kung kaya’t dapat ay sundin din ang nararapat.

Umaasa si Villegas sa ating gobyerno na dapat umpisahan na ang paglilikas sa mga posibleng daanan ng bagyong Ruby bago pa mahuli ang lahat gaya nang nangyari sa pagdaan ng bagyong Yolanda.

Idinagdag niyang dapat ang mga mamamayan ay paigtingin ang pagdarasal dahil ito ang pinakamabisang paraan para labanan ang ano mang delubyong daraan.

 

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *