ni ROMMEL PLACENTE
ISA nang Kapamilya si Isabelle Daza matapos niyang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN 2 noong November 24. Ang unang show na gagawin niya sa Dos ay isang serye, ang Nathaniel na makakasama niya sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Pokwang, at Connie Reyes. Gaganap siya rito bilang isang abogada na girlfriend ni Gerald.
Hindi naman masasabing lumipat si Isabelle sa ABS-CBN 2. Wala naman kasi siyang kontrata sa Kapuso Network. Nagkataon lang na isa siya sa host ng Eat Bulaga na napapanood sa Siete.