Saturday , November 23 2024

BPJ, PNP sa buy-bust; 3 babae tiklo

LUNGSOD NG MALOLOS – Naaresto ng mga opisyal ng Bulacan Provincial Jail at mga operatiba ng Malolos City ang tatlong babaeng inmate na dawit sa kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng locked up facility matapos silang mahuli sa akto na nagbebenta ng shabu sa kanilang selda sa isang buy bust operation noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Provincial Warden ret. Lt. Col. Pepito Plamenco ang mga naaresto na sina Nenita Polintan, 44 anyos, may-asawa, residente ng Bgy. Sitio Barangka, Sto.Nino, Baliuag; Teresita Martin, alias Bebe,36, dalaga, taga-Bgy. Sto. Nino, Baliuag at Edna Sampoang, 47, may-asawa at nakatira sa Bgy. Makinabang, Baliuag, Bulacan.

Isinagawa ang nasabing buy bust operation ng mga jail guards, piling kalalakihang bilanggo at Malolos City Police bandang 9:30 ng gabi.

Ayon kay Plamenco humingi siya ng tulong sa pulisya na suportahan ang kanyang mga jail guard sa isasagawang buy bust operation matapos niyang ma-diskubre sa tulong ni Rick Ibera, itinuturing na pangkalahatang ama ng piitan, na ang tatlong naaresto ay positibong nagbebenta ng droga sa loob ng panlalawigang piitan.

Ang nasabing aksiyon laban sa droga sa loob ng piitan ay bunsod na rin sa kautusan ni Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado na siguruhin na walang papasok na ilegal na droga sa loob ng provincial-government run jail.

Nilinaw ni Plamenco na nakadalawang test-buy muna sila ng shabu sa tatlong suspek na isinagawa nila ni Ibera kaya agad na nagplano na mahuli ang tatlo sa akto.

“Ang bentahan ng shabu sa loob ng disciplinary room kung saan nakakulong ang mga suspek ay makailang beses ng naireport sa akin kaya agad na humingi ako ng suporta sa pu-lisya para mahuli ang tatlong notoryus sa pagbebenta ng shabu,” ani Plamenco.

Nasamsam ng mga operatiba ang apat na pakete na naglalaman ng shabu, P1,000 na nagsilbing marked money sa iba’t ibang denominasyon, drug para-phernalia, isang notebook na mistulang diary ng lahat ng transaksyon ng ilegal na droga at mga salaping papel na nasa iba’t ibang denominasyon na umabot sa halagang P14,540.

Gayunman, nagrereklamo umano ang kamag-anak ng mga suspek dahil nawalan ng mahi-git P20,000 at dalawang 50-do-llar bills matapos ang buy-bust operation.

Ang kamag-anak na ayaw pabanggit ang pangalan ay nagsabing ang aktuwal na cash money ng mga suspek ay P34,000 at nagulat sila nang makita sa report ng pulisya na halagang P14,540 lang ang narekober.

Batay sa impormasyon, bigtime at may koneksyon sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa ang mga naarestong suspek na nakatakdang sampahan ng kasong Violation of Section 5 in relation to Section 26 at Section 11 ng R.A. 9165.

Napag-alaman din na ang isa sa mga suspek na si Polintan ay live-in partner ng isang drug pusher sa loob ng Maximum Security Coumpound sa NBP.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *