LALONG lumakas ngunit bumagal ang takbo ng super typhoon Ruby habang nagbabanta sa Eastern Visayas.
Ayon kay Chris Perez ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 720 km silangan ng Surigao City (10.6°N, 132.0°E).
Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot ng 205 kph at pagbugsong 240 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kph habang patungo sa pakanluran hilagang kanlurang direksyon.
Nakataas na ang signal number 2 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte; Dinagat Island at Siargao Island.
Habang signal number 1 sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, kasama ang Ticao Island; Northern Cebu, kasama ang Bantayan Island, Camotes Island at Bohol; Surigao del Norte, Surigao del Sur, Camiguin Island at Agusan del Norte.