Saturday , November 23 2024

Purisima suspendido

091914 purisimaIPINASUSUSPINDE ng Office of the Ombudsman si Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima.

Iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang anim buwan preventive suspension without pay laban sa PNP chief dahil sa pag-apruba sa sinasabing maanomalyang kontrata sa WERFAST Documentary Agency noong 2011.

Bukod kay Purisima, ipinasususpinde rin ng Ombudsman si Police Director Gil Meneses, dating hepe ng Civil Security Group (CSG); at iba pang mga opisyal ng PNP-Firearms Explosive Office (FEO) kabilang sina Chief Supt. Raul Petrasanta, Chief Supt. Napoleon Estilles, Senior Supt. Allan Parreno, Senior Supt. Eduardo Acierto, Senior Supt. Melchor Reyes, Supt. Lenbell Fabia, at iba pa.

Ipinadala na ang kautusan kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Almar Danguilan

Suspensiyon vs Purisima ipatutupad

TINIYAK ng Malacanang na ipatutupad ang ipinataw na 6 months preventive suspension laban kay PNP chief Allan Purisima kaugnay sa isinampang P100-M plunder case sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ipatutupad ni DILG Sec. Mar Roxas ang 6 months preventive suspension laban kay Purisima kaugnay ng maanomalyang Werfast deal na pinasok ng PNP.

Ang P100-M plunder case na isinampa ni Glenn Gerard Ricafranca laban kay Purisima sa Ombudsman noong Abril 2014 ay nag-ugat sa maanomalyang kontratang pinasok ng PNP sa Werfast courier agency na magde-deliver nang door-do-door ng firearm license sa gun owners.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *