ISANG opisyal sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang tila bumabaliko sa daang matuwid ni Pangulong Benigno Aquino.
Ang tinutukoy po ng mga impormante natin sa CAAP ay isang retired Major Gen. Rodante Joya.
Sa ating pagtatanong, si ret. M/Gen. Joya ang kasalukuyang Chief Financial Officer ng CAAP.
Matapos umanong i-appoint si ret. M/Gen. Joya ng Malacañang, nagulat ang mga taga-CAAP dahil biglang nagkaroon sila ng empleyadong Jeremy Joya.
At hindi lang basta empleyado kundi hepe pa ng CAAP Management Information System (MIS).
Kaya hindi na raw nakapagtataka kung bakit lahat ng IT project ay isa si Jeremy sa mga pangunahing nakikialam ‘este nag-aasikaso daw… including umano sa mga project na ‘yan ang ID card at CCTV?
By the way, meron pang isang Atty. Joya na naipasok rin daw sa CAAP …
Anak din kaya siya ni ret. M/Gen. Rodante Joya?!
Ano nga ang tawag sa ganyang practice sa opisina ng gobyerno?
Nepotismo ba tawag d‘yan!?
Ayon pa sa ilang desmayadong CAAP employees, ito raw si Joya ay may take home pay na P200+ kada buwan at ang mga bitbit boys (consuholtants ‘este’ consultants) n’ya raw ay P50k plus naman ang sahod kada buwan?
What the fact!?
At kung mayroong nepotismo, hindi maiiwasang isipin ng mga taga-CAAP na may nagaganap na isang uri ng iregularidad?
May alam kaya riyan si Col. Leo Husada, ang trusted man ni Joya?
Ano sa palagay ninyo CAAP Director General William Hotchkiss III?!
Hindi ka kaya nabubukulan, Sir!?