To be exact ay tatlong taon na since iwan ni Derek Ramsay ang ABS-CBN at lumipat sa TV 5. Sa kanyang pag-alis nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng aktor at Kapa-milya network. May matinding rason si Derek kung bakit nagdesisyon siya para sa sarili, na siyempre hindi valid sa dating mother studio kaya’t understandable kung bakit nagdamdam sila sa ginawa ng dating talent. Ang maganda never nagsunog ng tulay si Derek at kahit kailan ay hindi siya nagsalita nang hindi maganda sa ABS-CBN. Kaya naman after three long years, nakatakda na raw gumawa ng action movie si Direk sa sister company ng Star Cinema na Skylight Films ni Sir Enrico Santos. “Excited ako kasi sabi ni Direk (Toto Natividad) bagay sa akin ‘yung role at ako ta-laga ‘yung kino-consider nila do’n sa action film na gagawin. Sana matuloy talaga,” bungad ni Derek nang makausap siya ng entertainment press sa grand presscon ng MMFF entry movie nila ni Jennylyn Mercado na “English Only, Please.” Ayon sa hunk actor na nakakontrata ngayon sa Kapatid network tatlong taon siyang hindi nakapupunta sa Kapamilya network mula nang lumipat siya sa ibang estasyon. “It’s been three years na nga. Ang tagal na rin. I’ve been always open naman to promote in their shows. For me kasi, ‘yung ginawa ng ABS-CBN noon is just a professional decision and I didn’t take it against them. Naintindihan ko ‘yon. I’m just waiting na matatapos din ang lahat at magiging okey din,” paliwanag ni Derek. One year picture contract, ang nakatakdang pirmahan ni Derek at last Wednesday ay nakipag-meeting na siya sa managing director ng Skylight na si Sir Enrico Santos at iba pang executive ng movie outfit. As of now wala pa tayong nakukuhang update sa naganap na meeting. Basta ang malinaw ay isang hakbang na ito ng magandang samahan muli nina Derek at ng ABS-CBN specially Star Cinema na matindi talaga ang naging tampo noon sa said actor. Pagdating naman sa movie nila na English Only Please ni Jenn, na ultimate romantic-kilig movie of the year, umaapaw ito sa walang humpay na nakakikiliti at naka-i-inlove na away-bati na eksena na nauwi sa romansahan. Sa unang pagkaka-taon ay napagsama ang dalawa sa big screen at lumutang ang chemistry nina Derek at Jennylyn na pinatingkad na husay at talento nila sa pagpapatawa. No doubt, ang “English Only Please” ang isa sa inaabangang entry sa 2014 Metro Manila Film Festival dahil sa nakatutuwa nitong kuwento na sinangkapan ng magandang direksyon ni Dan Villegas na gumawa ng acclaimed indie film na “Ma-yohan” na pinagbidahan ni Lovi Poe at nagbigay sa kanya ng kauna-unahan niyang Best Actress award. Panoorin ninyo at tiyak na marami kayong tawa habang nasa loob ng sinehan gyud!
ni Peter Ledesma