Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Govs, Mayors manguna sa Command Centers (Roxas sa LGUs)

120514 FRONTILIKAS ang inyong pamilya sa ligtas na lugar at huwag umalis sa mga command centers anuman ang mangyari.

Ito ang ipinag-utos ni Interior Secretary Mar Roxas sa lahat ng lokal na opisyal at ‘first responder units’ sa 54 na probinsya na maaaring daanan ng Super Bagyong si Ruby.

“Mahalaga na matiyak ng ating mga first responder units, kasama ang ating mga gobernador at mayor, na ligtas sa peligro ang kanilang mga pamilya bago nila gampanan ang mga tungkulin sa command centers,” diin ni Roxas.

“Gusto natin na siyento por siyento ang pokus nila sa trabaho habang nasa command centers at hindi na nag-aalala sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay,” dagdag niya.

Nito lamang Miyerkoles, inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units sa lugar na daraanan ni Ruby na paganahin ang kanilang Local Disaster Risk Reduction Management Councils (LDRRMCs) para mapaghandaan ang pananalasa ng bagyo.

Inutusan din ni Roxas ang lahat ng kawani ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), regional offices ng DILG at LGUs sa mga apektadong lugar na kanselahin ang kanilang aplikasyon sa bakasyon para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

“Kailangan nating seryosohin ang lahat ng bagyo na pumapasok sa Philippine Area of Responsibility. Todong paghahanda ang kailangan natin dito sa bagyong Ruby dahil inaasahan ng marami na kasinlakas ito ni Yolanda,” diin ni Roxas.

“Ang ating LGUs ang first responders sa panahon ng bagyo at kalamidad. Inaasahan natin na pamumunuan nila ang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Ruby,” anang kalihim.

Ipinaliwanag ni Roxas na obligasyon ng mga gobernador at mayor na magtayo at pamunuan ang command centers ng Local DRRMCs para mabantayan ang galaw ng bagyo at makagawa ng kaukulang aksyon sa mabilis na pamamaraan.

“Mahalaga na laging nasa command centers ang ating mga gobernador at mayor para masiguro nila na ligtas sa peligro ang mga mamamayan sa kanilang komunidad,” ani Roxas.

“Nakahanda ang lahat ng ahensya sa ilalim ng DILG, kasama ang PNP at BFP, na tulungan ang mga lokal na opisyal para mailikas ang mamamayan sa ligtas na lugar at mailayo sila sa panganib,” pagtitiyak ni Roxas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …