ni Alex Brosas
SI Toni Gonzaga ba ang pinatutsadahan ni Isabelle Daza na baduy na host? Sa isang blind item kasi na lumabas sa isang popular website about a new recruit ng isang network na ipinakita ang kataklesahan during an interview for a show ay tukoy na tukoy si Isabelle.
Sa report ng Fashion Pulis, kulang na lang na pangalanan si Isabelle tungkol sa isang bagong pasok sa isang network. Ang ”looking for new challenge” kasi ang clue. Hindi ba’t ito ang sinasabi ni Isabelle kung bakit siya lumipat sa Dos.
Ang chika, habang nilalagyan ng make-up si Isabelle ay natanong ito kung sino ang mag-iinterbyu sa kanya. Sabi niya, isa sa tatlong hosts siguro, si Host A, Host B, at baduy na Host C.
Si Toni ang inisip ng marami na baduy host na tinukoy ni Isabelle.
Kung true nga na si Toni ang kanyang tinukoy, aba hinahangaan namin si Isabelle dahil wala siyang takot. Sa showbiz kasi, for you to be in ay kailangang magpakaplastik ka. Roon naiba si Isabelle.
True naman na baduy si Toni. Kahit pa mamahalin ang kanyang isinusuot ay hindi pa rin siya sophisticated tingnan.