GRABE naman ‘yung ginawang quarantine para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at ilang pasahero na nakitaan ng ilang sintomas na may problema sa kalusugan.
Aba ‘e kung nakaligtas sa EBOLA ‘yung OFWs at ibang pasahero na mailalagay sa quarantine, baka sa dengue naman madale.
Wala bang itinatakdang pamantayan (standards) ang Department of Health (DOH) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga itatakdang quarantine area?!
Hindi umano maintinihan ng mga pasahero kung saan sila itinapon.
E ‘kung mamamalagi sila roon ng ilang araw dapat maging komportable ang mga ika-quarantine.
Walang air-con, walang maayos na tulugan at sandamakmak ang lamok?!
Parang inabandonang barracks daw kinapuntahan nila.
Bureau of Quarantine, DOH and NAIA, paki-ayos po ang quarantine area!