Sunday , December 29 2024

Pataas tara ng DPS/TFOV sa Divisoria lumarga na! (Paki-explain Mr. Che Borromeo)

110414 divi vendorsTRENDING ngayon sa Divisoria ang dagdag-tara na kinokolektong ng isang alias BOY GAGO-BIOLA na para raw sa Manila DPS/TFOV (ask ‘este task force organized vending) ngayon pagpasok ng Disyembre.

Ang siste, umaaray at pilit na binubuno ng mga vendors ang dagdag-TARYA sa mga nagpapakilalang bagman daw nina alias “leche’ at “kulugo” diyan sa Manila City Hall.

Gaya sa Ilaya St., na ang kolek-TONG ay isang LISANG-TALAK na nagbibigay ng mahigit 12k linggohang intelihensya.

Sa J. Luna St., ang gamit ni Boy Gago-Biola ay isang ALEX na may kolektong na 20k pataas kada linggo. Sa kalye Recto, Soler, Roman, Abad Santos naman ay isang  tarantadong NAP naman ang kumukolektong ng 30-50k kada linggo sa hawla vendors.

Iba pa ‘yun kolektong na mas mataas na tara sa mga vendor ng pirated DVDs.

Mas matindi ang pitsaan sa mga kariton na nirerentahan ng pobreng vendors sa grupo ni Gago-Biola!

Obligado kasi na maghatag ang mga vendor de kariton ng P100 kada araw kay boy Gago-Biola para hindi na sila hulihin ngayon nalalapit na kapaskuhan na ang tubos ay P500-P1000.

Iba pa raw ‘yun regular na tara na 5k kada kariton bawat linggo.

Sonabagan!!!

Para palang mga linta ang mga hinayupak na ‘yan!?

Lumalabas daw na dalawang tara ang kinokolektong ng tropa. Isa para sa DPS, isa para sa TFOV.

Mr. Che Borromeo, may kinalaman ka ba sa mga katarantaduhan na ito?

Aba’y kung hindi e paimbestigahan at ipahuli n’yo ‘yang mga nagpapakilalang kolektong ng opisina mo!

Nakahihiya naman ‘yan sa slogan ng amo mo: Erap para sa mahirap!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *