Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, humanga sa kabaitan at kawalan ng ere ni Coco

FIRST time nagkatrabaho nina Coco Martin at Kris Aquino at napahanga raw ng aktor ang Queen of All Media.

“’Di ba malalaman mo ang tunay na pagkatao ng isang tao kapag madalas kayong nag-uusap, eh, imagine at 4:00 a.m., nagkukuwentuhan kami kasi kami na lang ‘yung natitira (set), kasi si direk Chito kapag nagso-shoot, linear, from the beginning towards the end, walang laktaw-laktaw, so two to three weeks ay kami na lang ni Coco ang magkasama talaga, sobrang bait talaga niya, wala siyang ka-ere-ere and to think Primetime King siya sa ABS-CBN.

“Napagkuwentuhan namin ultimo water bills namin sa isa’t isa, alam na namin, mga koryente alam namin, kuwentong buhay ng family niya, alam namin,” tumatawang sabi ni Kris at tinanong namin kung alam na rin niya ang tungkol sa lovelife ni Coco, ”ayokong makialam sa kanya, kasi ayoko ring makialam siya,”natawang sabi.

“But all the kuwento about the mom, the dad, the lola, alam ko lahat, tapos nagku-compare kami ng household expenses, kasi siya negosyante rin siya ngayon ‘di ba, may Fix (salon) siya, so ‘yun ‘yung pinag-uusapan namin.

“Sabi ko, ‘alam mo for a franchise to work, it should be personalize, kailangan puntahan mo, kailangang ipagkalat mo na iyo ‘yun,” mahabang kuwento ni Kris.

Inamin din ng TV host/actress na masuwerte siya sa mga kasama niya sa pelikula dahil ang gagaling daw lahat.

“Ang kaunti namin sa cast, sa main scene na natira lang, tito Joonne Gamboa, si Ms Cherie Pie Picache, tapos, Ian Veneracion, si Coco, kami lang. So, super gagaling, you don’t see them as them, sila talaga ‘yun kaya nakaka-challenge.”

TARGET NA KUMITA NG P200-M ANG FENG SHUI 2

At ang prediction ni Kris sa Feng Shui 2, kaya ba nitong mag-number one?

“Kasi, I owned 30% of this movies, of course for your ego, masarap talaga to be number one, number two, ‘di ba? Pero as a producer at siyempre, as a negosyante mode, mas importante sa akin ang break-even, tapos importante sa akin na may target na alam mo, so you have to hit that,” paliwanag sa amin.

Panalangin pa na sana raw ay maka-P200-M ang kita ng Feng Shui dahil ang Pagpag daw noong nakaraang taon ay naka-P180-M, ”let’s pray sana umabot or more,” saad ni Kris.

At ipinagmamalaki pang, ”cinema siya (‘Feng Shui’), you made a movie, an epic movie, malaki siya, hindi siya sa studio lang kinunan, alam mo ‘yung ganoon na naka-green screen lang. Event talaga, it’s a cinema experience.

“Paulit-ulit si direk Chito, kasi pinagagalitan niya ‘yung mga make-up artist ‘pag nire-retouch ako, sabi niya, ‘cinema ‘to, dapat mukha siyang (Kris) madungis, pagod na siya, dapat pinapawisan na, huwag ninyong punasan,” tumatawang sabi pa.

Tinanong namin kung magkano inabot ang gastos sa Feng Shui, ”mahal siya,”natawang sabi ni Kris.

Naka-P100-M ba? ”Hindi naman masyado, but that kind of quality, it’s definitely expensive than ‘Little Bossing’, kasi may effects, eh, kaya mahal, ‘yung equipment rental. Kasi mas sophisticated talaga ‘yung ginamit, tapos mahal si direk Chito, siyempre ‘di ba kahit bakas sila (Coco-producer), may talent fees sila, mahal si Coco at mahal ako, ha, ha, ha, ha,” humahalakhak na sabi ng TV host/actress.

Nabanggit ding hindi uso sa cast ang pa-diva effect dahil takot silang lahat kay direk Chito.

“Go lang ng go (ipagawa), okay, kahit gumulong-gulong ka, okay, malaglag ka, okay, humiga ka sa kalye, okay, ibalibag niya ako, okay,” natatawa pang sabi ng Queen of All Media.

At sa mga nakatrabahong direktor ni Kris ay kay direk Chito lang daw siya takot kasi nga batikan na kompara sa ibang nakatrabaho niya, ”I haven’t work with the rest pa, I haven’t work with direk Olive (Lamasan), the only one of direk Chito’s caliber would be Joel Lamangan, I haven’t work with Carlitos (Siguion-Reyna), I haven’t have the opportunity to work with Marilou Diaz-Abaya, so parang sa generation nila, siya (direk Chito) talaga, siguro iba nga kasi una ko siyang nakatrabaho, 20 years old ako. Magaling siya talaga!”

Ang pangalan ng film company outfit ni Kris ay, ”KKAP, Kristina Cojuangco Aquino Productions, ito naman (Chowking), KKAFE, Kristina Cojuangco Aquino Food Empire, ‘di ba? In fairness kay Dom (Dominic Hernandez), siya ang nakaisip ng Food Empire na ‘yan.”

KRIS, NINANG OF ALL MEDIA RIN

Sa kabilang banda, may bagong tawag daw ngayon kay Kris, Ninang of All Media dahil tatlong beses siyang magni-ninang sa kasal ng December at mauuna na sina Bianca Gonzales at JC Intal sa December 4, Huwebes na gaganapin sa Lagen Island, El Nido Palawan, susundan ni Dominic (partner niya sa Chowking) sa December 20 sa Cebu City, at sa December 30, kasal ninaDingdong Dantes at Marian Rivera na sa Cubao lang gaganapin.

Patungo namang Japan ang mag-iinang Kris, Josh, at Bimby sa December 31 para ipa-experience sa dalawang anak ang bundok-bundok na snow sa Japan na ginanap ang snow Olympics dati at babalik siya bago mag-January 6 dahil magni-ninang ulit siya sa kasal.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …