Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapalaran ng mag-amang AJ at Jody sa Amazing Race, nakaiiyak

ni PILAR MATEO

HE takes after the dad!

Naiyak din ba kayo sa hindi inaasahang kapalaran ng mag-amang AJ at Jody Saliba sa Amazing Race Philippines 2 noong Sabado?

Anim na racers na lang ang natitira patungo sa finish line!

Pinaluha ng mag-amang AJ at Jody na mga tubong Olongapo ang mga manonood dahil sa kanilang katatagan at determinasyong manalo sa karera.

Sa final challenge ng Leg 7 na kailangan nilang magkabit ng mga duyan sa mga puno ng niyog ng hindi nahuhulog, ipinakita ni Daddy AJ na gagawin niya ang lahat ng makakaya para mairaos ang karera nilang mag-ama. Nalaglag ang mag-ama sa ika-anim na puwesto matapos manguna sa ika-anim na leg dahil napagdesisyonan ng apat sa lima pang teams na sila ang i-yield sa leg na ito.

Samantala, nanguna naman sa leg na ito ang Team Chefs na sina Eji Estillore at Roch Hernandez. Sila ay nagkamit ng PHP 200,000 cash prize mula sa Rexona. Sinundan sila ng dating couple na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker (2nd), at Magkapatid Jet at Yna Cruz (3rd). Pang-apat namang dumating ang mga Mr. Pogi na sina Kelvin Engles at JP Duray bago ang Team Nerds at Team Mag-ama.

Tiyak na mas titindi pa ang mga eksena sa The Amazing Race Philippines lalo pa’t huling dalawang linggo na ng karera!

Maki-takbo na!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …