Sunday , December 29 2024

Globe MyBusiness idinaos ang unang ‘MyBusiness Day’

120414 globeNAGBIGAY ng inspirasyon at kapangyarihan ang Globe myBusiness sa mga entrepreneur at micro small and medium enterprises (mSMEs) sa pamamagitan ng unang ‘myBusiness Day’ nito na idinaos nitong nakaraang Nob. 26 sa The Globe Tower sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa pakikipagtulungan ng Association of Filipino Franchisers Inc. (AFFI), ginawa ng Globe myBusiness ang lugar na isang siyudad ng ‘franchising opportunities’ na tinawag na ‘Globeville,’ isang one-stop shop para sa mga nagsisimula ng negosyo na itinayo, lalo na para sa mga empleyado ng Globe.

Mula sa ‘franchising opportunities’ at business enablers na ipinakita sa buong maghapon, hanggang sa informative business talks mula sa mga ekperto sa gabi, ang ‘myBusiness day’ ay isang okasyon na itinakda upang maliwanagan at pagningasin ang Filipino entrepreneurial spirit.

“All our campaigns to inspire entrepreneurship and success are not only an external drive, but are also what we practice within Globe as well. Through myBusiness Day, we give Globe employees the first-hand opportunity to become entrepreneurs and arm them with all information they need to get started with their dream businesses. As a trusted business advisor, Globe myBusiness also equips entrepreneurs with enablers that help run their businesses more smoothly, improve cash flow, and promote them in more cost efficient manner,” pahayag ni Senior Vice President and Head for Globe myBusiness, Martha Sazon.

Ang technology-based business tools, na tinatawag din ‘enablers’ at iniaalok ng Globe myBusiness, ay kinabibilangan ng mobile POS system Globe Charge, cloud-based productivity suite Google Apps for Work, internet-based monitoring solution Globe myBusiness CCTV, GadgetMax postpaid plans, Globe myBusiness Broadband at Globe Education Solutions.

Ayon kay Globe Executive Vice President and Chief Operating Officer for Business and International Markets Gil Genio, ang SMEs ang bumubuo sa lakas ng ekonomiya na may 99% ng mga rehistradong negosyo at halos two thirds ng trabaho na nagmumula sa sektor na ito.

Sa naturang okasyon, ang mga empleyado ay binigyan ng malawak na franchising investment opportunities mula sa mahigit 20 local franchise exhibitors, mula sa food, retail at service industries.

Tampok din sa one-stop shop ang learning sessions na isinagawa ng mga kilalang eksperto na sina Armando Bartolome ng GMB Franchise Developers, Richie Cuna ng Fiorgelato, Joseph Ismael Cruz ng BPI Ka-Negosyo, at Tess Ngan Tian ng Lot’s A Pizza, gayundin ang exclusive consultation sa AFFI Board of Directors.

“Globe myBusiness is actually going beyond basic core telco products and services through innovative solutions which change the way our small and medium business owners maximize ICT tools available to them. At this juncture, we are focusing on our local franchising industry and how it will help start-up entrepreneurs get their feet wet so to speak when it comes to venturing on a business of their own,” sabi ni Genio.

Dumalo sa okasyon sina AFFI President Victor Fernando, Globe myBusiness ambassadors JR Dela Paz ng Size Matters Burges, Mr. Santi Lim ng Strawberry Foods Corporation, RJ Ledesma ng Mercato Centrale, Richie Cuna ng Fiorgelato, Caroline Goricetta ng Karat World at Sonny Francisco ng Ferino’s Bibingka. Suportado rin ang myBusiness day ng ilang celebrity entrepreneurs.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *