INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang kinauukulang mga ahensiya ng pamahalaan na tutukan ang mga lugar na maaaring tamaan ng pananalasa ng bagyong Ruby.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang direktiba ng Pangulo sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay alertuhin ang local risk reduction councils upang ganap na makapaglatag ng pangunahing paghahanda sa banta nang pagtama ng bagyong Ruby.
Nananatili aniya ang panuntunan ng Punong Ehekutibo na matamo ang layuning zero casualties.
Sa pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), papasok ang bagyong Ruby sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong umaga.
Animnapung porsiyento (60%) ang tsansa na magla-landfall sa Eastern Visayas si Ruby sa Sabado ng hapon o gabi o sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013.
Rose Novenario