ni Ed de Leon
HIRAP din daw ang male star na iwanan ang kanyang “gay friends” kahit na nga may asawa na siya ngayon. Dahil sinasabi nga niya na wala halos projects ngayon at “mahina ang kita” niya.
Kaya kung ano-ano raw alibi ang ginagawa ng male star sa kanyang misis para makatakas paminsan-minsan at makipagkita sa kanyang mga “gay friend” na mukhang tanggap naman siya kahit na may asawa na.
Pero ano kaya ang sasabihin ni misis kung malaman niya iyon?