AABOT sa 10 planta ng koryente ang hihinto ang operasyon sa summer 2015 para sa nakaplanong maintenance shutdown.
Sa interpelasyon para sa emergency power resolution, binanggit ni House energy committee chairman Reynaldo Umali, kabilang dito ang mga planta ng Ilihan, Limay 1 at 5, Angat 1, 2 at 4, Bacun 2, Casecnan 2, San Roque 2 at 3.
Hindi pa kasama rito ang Malampaya na nakatakda rin sa April 2015.
Lalong naalarma si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares dahil ilan sa mga plantang ito ay kasama sa mga nag-shutdown din noong 2013 na sinasabing nagsabwatan at naging dahilan para tumaas nang malaki ang presyo ng koryente.
Ayon kay Umali, mahigpit na babantayan ng joint congressional power committee ang mga plantang ito para makita kung may sabwatan o iregularidad sa shutdown.