Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pest-free environment isinusulong ng Mapecon

120314 mapeconISINUSULONG ng Mapecon Philippines, Inc. ang pest-free environment na may epektibong pamamaraan at produkto para maipatupad ito.

Ito ang ipinunto ni Ruth Catan-Atienza, Mapecon chief operating officer sa panayam ng IBC 13 talk show Up Close and Personal na pinangungunahan ni Marissa del Mar bilang host.

Binigyang-diin ni Mrs. Atienza na sa dami ng mga kaso ng dengue sa kasalukuyan, ang Mapecon, ang foremost authority ng bansa sa pest control, ay kaisa ng Department of Health sa kampanya sa pagsugpo sa nakamamatay na sakit. Gayonman, idiniin niyang ang karaniwang isinasagawang aerial spraying (fogging) partikular ng local government units ay hindi epektibo sa airborne pest dahil itinataboy lamang nito ang mga lamok.

Aniya, pinakamabisang paraan para masugpo ang mga lamok ay ang paglilinis sa breeding places at pugad ng mga ito katulad ng maruming estero at stagnant water kung saan sila nangingitlog.

Ang Mapecon ay naging household name na sa nakaraang 50 taon. Patuloy nitong pinagbubuti ang mga produkto at isinusulong ang pagbabago at pagpapabuti sa lipunan na ligtas at malayo sa sakit. Ito ang misyon ng Mapecon.

Ang kompanya ay may line ng ready-to-use pest control products para sa mga taong agad na nangangailangan ng solusyon para sa mga peste, ang Big 4. Ang Big 4 ay kinabibilangan ng Big RTU na may sprayer para sa lumilipad at gumagapang na mga peste katulad ng lamok, langaw, ipis; NORO pellets para sa mga ipis; F3 Powder para sa mga langgam at anay at EZP para sa mga daga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …