Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasahe ng buong entourage sa kasal ni Aiza, sinagot daw ni Sylvia

NAGULAT si Sylvia Sanchez nang tanungin siya sa The Buzz na siya raw ang gumastos ng pamasahe sa buong entourage ng kasal nina Aiza Seguerra at Liza Dino na gaganapin sa Amerika sa December 8, Lunes.

Natanong daw ang aktres sa finale episode ng Be Careful With My Heart na magkakasama silang buong cast at production na panoorin ang 15 minute live streaming tungkol dito.

“Nagulat ako kasi wala namang ganoon. Itinanggi ko, pero siyempre ‘di ba, may isyung ganoon.

“Hiyang-hiya ako kay Aiza kasi hindi totoo at nakita ko kung paano magtrabaho si Aiza para sa panggastos sa kasal nila ni Liza. Talagang kayod marino si Aiza kaya unfair naman sa sinasabing sinagot ko ang gastos hindi totoo ‘yun,” bungad paliwanag ni Ibyang (tawag kay Sylvia) nang tawagan niya kami noong Linggo ng gabi pagkatapos niyang mapanood ang The Buzz.

Inamin ni Ibyang na ang asawang Art Atayde ang ninong sa kasal nina Aiza at Dino na gaganapin sa Amerika at ang aktres naman ang ninang sa gaganaping kasal dito sa Pilipinas.

“Kasi ninong si Art sa kasal nila sa Amerika, tapos ‘yung kasal na gaganapin dito sa Pilipinas, ako naman ang ninang. Dalawang beses ikakasal sina Aiza at Liza, eh.

“Kaya Reggs, pakilinaw na lang, kasi nakakahiya talaga kay Aiza, hindi totoo,”pakiusap ni Ibyang.
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …