Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P70K natangay ng kawatan sa lotto outlet

102814 moneyMAHIGIT P70, 000 cash at dalawang cellphone ang natangay ng dalawang hindi kilalang magnanakaw nang pasukin ang isang lotto outlet kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Base sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Melchor Reyes dakong 9 p.m. nang looban ng mga suspek ang lotto outlet na pag-aari ni Honey Grace Bunales, 31, sa 1 Mars St., Sun Valley Drive, Airoville NAIA, Pasay.

Ayon kay Joena Almazon, teller, isinara niya ang lotto outlet ngunit iniwan niya ang P70,000 cash sa drawer kasama ang dalawang cellphones at umuwi sa kanilang bahay sa Fourth State, Sucat, Paranaque City.

Kinabukasan, dakong 8 a.m. sa pagpasok ni Almazon ay natuklasan niyang pinasok ng magnanakaw ang kanilang tanggapan dahil sa nawawala na ang perang kanyang iniwan at dalawang cellhpone sa drawer.

Sa imbestigayon ng pulisya, nabatid na pumasok ang mga magnanakaw sa lotto outlet sa pamamagitan ng pagsira sa bakal na rehas malapit sa bintana.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ang mga awtoridad habang inaalam kung may nakalagay na close circuit television (CCTV) camera upang mabatid kung nahagip ang insidente.

Manny Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …