Saturday , December 28 2024

Mobile patrol sinuwag ng bus 4 parak sugatan

120314 patrolSUGATAN ang apat pulis makaraan salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang mobile patrol kahapon sa Quezon City.

Kinilala ang mga biktimang sina PO1 Christopher Bermejo, 34; PO3 Carlito Seneres, 53; PO3 Reynaldo Sarmiento, 46; at PO3 Rolando de Guzman, 36, pawang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1.

Habang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Marciano Sarito, 54, driver ng Dela Rosa bus (UYE-973).

Ayon kay PO2 Antonio Tabios ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente bandang 12 a.m. sa EDSA south bound sa harap ng Global Market, Balintawak, Brgy. Apolonio Samson, ng lungsod.

Sinabi ni Tabios, nagpapatrolya ang mga biktima nang suwagin ng bus ang likurang bahagi ng sinasakyan nilang mobile patrol 146.

Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *