Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, balik-Kapamilya Network na raw

 

ITINANGGI ni Derek Ramsay na iiwan na rin niya ang Kapatid Network o TV5. Ito’y bilang sagot ng actor sa mga naglalabasang balita na babalik siya sa bakuran ng ABS-CBN2.

Ani Derek sa presscon ng English Only, Please na handog ng Quantum Films,hanggang March 2015 pa ang ang kontrata niya sa TV5.

Ibinalita rin nitong may offer sa kanya ang Star Cinema at iginiit na ikinatuwa niya ang offer na iyon.

“There’s an offer na medyo natuwa nga ako, they offered a movie na baka gawin ko for Star Cinema, under Skylight. So, bukas (today), may meeting ako with direk Toto Natividad for that. Nalaman ko lang ‘to 2 days ago but ‘yung babalik ako ng ABS-CBN, there’s no (truth to it),” ani Derek.

Sa paggawa ng pelikula ni Derek sa Star Cinema, kasunod kaya nito ang pagbabalik sa Kapamilya Network?

“I’ve always been open naman, eh. Wala naman akong galit towards them, eh. I told you, I look at whatever decisions that they made as business decisions. Ayokong isipin na it’s out of. . .’yun nga, ayokong gamitin ‘yung word, hate and anger.

“So, yeah, this is a blessing na we can move forward and you know, it could be all water under the bridge. For me, I’m just waiting for everything to be ironed out and matapos na ‘yung nangyari before,” pahayag pa ni Derek na first time makakasama sa pelikula si Jennylyn Mercado sa English Only Please na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival at mapapandood sa December 25.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …