Friday , November 22 2024

Basura ng Pasay nasa Bacoor na!

00 rex target logoTOTOO nga pala ang balitang ang isang talunang politiko ng lungsod ng Pasay ay nasa Bacoor City, Cavite na at doon naman nagkakalat ng kanyang basura bilang traffic c’zar kuno hehehe.

In fairness, may talent din naman si Mr. Nognog na pangasiwaan ang trapiko dahil na-ging epektibo naman noong panahon ng lumang administrasyon sa Pasay na paramihin ang illegal terminals sa nasabing siyudad.

Siyempre pa, kung maraming illegal terminal, masagana ang daloy ng pagkakakitaan o intelihensiya.

Kaya naman pala nagkakaletse-letse na ang traffic congestion ngayon diyan sa Bacoor dahil sa vision at traffic expertise nitong si Mr. Nognog.

Sabi nga ng ating sources, si Mr. Nognog daw ang chief engineer sa paglalagay ng mga terminal ng mga public utility vehicles sa siyudad ni Mayor Strike Revilla. Basta sasakyang may gulong ay tiyak na hindi makalalampas kay Mr. Nognog sa talim nito.

Hindi ba sumikat siya diyan sa Pasay City bilang bigtime bagman sa payola ng transports?

Tinangkang muling makabalik sakonseho ng Pasay ngunit isinuka ng mga botanteng Pasayeños.

Kahit misis ni Mr. Nognog, hindi ata bumoto sa kanya hehehe!

Kilala n’yo na ba siya? Si Mr. Nognog .

Clue: May malaking kaha de yero si Mr. Nognog sa kanyang opisina diyan sa Cartimar, Pasay na plano niyang punuin ng pera.

ABANGAN!

2nd Tanauan City Dragon Boat Race Festival isang malaking tagumpay

Ang ginanap na 2nd Tanauan City Dragon Boat Race Festival noong Sabado, Nobyembre 29 ay masasabing isang malaking tagum-pay ni Tanauan City Mayor Tony Halili, ang barakong alkalde ng nasabing progresibong siyudad sa lalawigan ng Batangas.

Showcase sa nasabing festival ang hospitality ng mga Batangueños at ang kakaibang ganda ng siyudad ng Tanauan.

Local tourism ang pangunahing nais na isulong ni Mayor Halili sa pagho-host ng ikalawang yugto ng nasabing karera.

Nais din ipakita ng butihing alkalde ang ka-lidad ng tourist sights sa kanyang siyudad at ang magandang takbo ng kalakalan sa Tanauan dulot na rin ng busines friendly environment ng lungsod.

Kredito ito ng magandang peace and order situation sa siyudad bunsod na rin ng magandang pagpapatakbo sa city hall ng macho at ba-rakong alkalde.

Parang si Davao City Mayor Rod Duterte rin si Mayor Halili. Hindi uurong na makipagsagupa sa mga criminal elements.

Malaki ang takot ng masasamang-loob kay Mayor Halili.

Isang tunay na Batangueño na astig ngunit may puso ang dating.

Ang Dragon Boat Race Festival ay regular na idinaraos at tinataguyod ng city government ng Tanauan para makilala nang husto ang kanilang mahal na lungsod hindi lamang sa buong bansa kundi sa buong mundo ng palakasan at turismo.

Mabuhay ka Mayor Halili at saludo ang Target sa iyong mga hakbanging makabuluhan para sa inyong constituents.

Sa panayam nga natin kay yorme sa ating daily radio program sa “target on air” sa DWAD, nabanggit ni Mayor Halili ang kanyang visions para sa Tanauan City at sa kanyang mahal na constituents.

Nais ni Mayor Tony ang ibayong kaularan at masaganang uri ng pamumuhay para sa lahat ng mga taga-Tanauan. Welcome din po sa nasabing siyudad ang mga investor, local man o foreign na magnegosyo sa tahimik at masa-yang siyudad, ang tinaguriang City of Colors.

Tiyak na magiging makulay ang inyong buhay sa siyudad ni Mayor Tony Halili ng Tanauan.

More power sir and congratulations!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *