Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vilma, mas excited na magkaroon ng apo kaysa pagpasok ni Luis sa politika

ni Ed de Leon

120214 Vilma Santos luis manzano

INAMIN ni Governor Vilma Santos na excited na rin naman siyang magkaroon ng apo. Aba, iyong iba nga namang mga kasabayan niya isang damakmak na ang mga apo, na ngayon ay malalaki na at napapanood na rin sa telebisyon.

Eh si Ate Vi, hindi pa nararanasan ang maging lola kahit na minsan. May nagsasabi naman kasing ”hindi naman kasi mukhang lola si Ate Vi”. Hindi nga. Hindi naman ibig sabihin kung maging lola man siya ay kailangan niyang magmukhang lola talaga. Mayroon talagang mga taong likas na mukhang lola.

Ang talagang possibility lang na maging lola siya ay kung mag-aasawa na nga ang kanyang anak na si Luis. Masyadong bata pa naman kasi ang pangalawa niyang anak na si Ryan. Pero sinasabi nga ni Ate Vi, conservative si Luis. Kaya tiyak siya na hindi siya magkakaroon ng apo hanggang hindi iyon nakakasal. Kung gusto raw namang magpakasal ni Luis any time, payag siya dahil handa na raw naman iyon na magkaroon ng pamilya. Bukod sa maganda naman ang takbo ng kanyang career, may mga negosyo na rin namang napasukan si Luis na maganda naman ang lagay at masasabing kaya na nga niyang buhayin ang isang pamilya.

Inamin din ni Ate Vi, mas excited pa siya sa mga usapang baka magkaroon na siya ng apo, kaysa mga nababalitang pagpasok din ni Luis sa politika.

Pero may mga Vil- manian namang nangangamba. Natutuwa na nga sila na babalik na si Ate Vi sa showbusiness pagkatapos ng 18 taon bilang isang public servant. Baka raw kung ngayon naman iyon magkaroon ng apo, lalo nang hindi mabalikan ang kanyang pagiging isang aktres at asikasuhin na lamang ang apo.

Whatever it is, bahala na si Ate Vi sa mga bagay na iyan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …